Milenyo

Nagtatalik ang ulan at hangin.
Magkayakap, magkasuyo sa bawat
pagpihit ng daigdig.
Nagpapatianod ang mga luha ng langit.
Nakikipaghabulan, nakikipag-unahan sa daluyong
ng naghihinagpis na mga alon sa dagat.
At ang mga balyena ay di-magkamayaw - walang patid
ang kanilang pagrorosaryo,
Naghaharutan ang mga puno sa tuktok ng bundok.
Naghihiyawan, nagsasayawan sa saliw
ng uyayi ng hanging nagmula pa sa Pasipiko.
At sa likod ng mga ulap ay nagkukubli ang araw
Sapagkat di niya nais na masilayan na nalulunod
sa rumaragasang tsokolate ang kanyang mga alagad!

Comments

Popular posts from this blog

How I Explored Coron, Palawan for Three Days and Two Nights for Less Than Php4000.00

How To Travel Cheap To Cabongaoan Beach in Burgos, Pangasinan

Reasons Why You Should Not Stay At Benjie's Kubo & Cottages in Bolinao, Pangasinan