Pula ang Kulay ng Gabi

Nababanaag ko sa mapuputlang silahis
ng dakilang buwan
Ang hapis na bumabalot sa katingkaran ng gabi.
Mula sa sulok ng aking durungawan ay natatanaw ko -
namamalas kong bahagya,
Ang pagsintang unti-unting itinataboy ng maiitim na ulap
patungo sa kaliwang pisngi ng langit
Hanggang ang lahat ay biglang naglaho,
Ang lahat ay nilamon ng namimighating kaluluwa ng gabi -
Ang buwan;
Ang ulap;
Ang pagsinta -
Nguni’t ako, ako ay nanatiling nakadungaw sa bintana
kasiping ang iyong mga alaala at gunita,
At ‘di alintana ang haplos ng nagwawalang hanging
sumusurot sa aking kaibuturan!

Comments

Popular posts from this blog

How I Explored Coron, Palawan for Three Days and Two Nights for Less Than Php4000.00

How To Travel Cheap To Cabongaoan Beach in Burgos, Pangasinan

Reasons Why You Should Not Stay At Benjie's Kubo & Cottages in Bolinao, Pangasinan