A Repost: May Magic Ang Pag-ibig

Note: I wrote this entry 4 years and 10 months ago.

Nang mahalin kita, alam ko na ang kahihinatnan nun. Alam kong masasaktan lang ako. Alam ko kasing hindi mo ako mamahalin. Alam kong hanggang kaibigan lang tayong dalawa.

Pero kahit ganun, minahal pa rin kita ng todo-todo. Ang tanga-tanga ko siguro kasi minahal pa rin kita. Pero ok lang. Ok lang kahit madalas akong nasasaktan. Ok lang kahit madals akong umiiyak.Ok lang kahit magsakripisyo ako.Alam ko namang mangyayari ang lahat ng ito. Sa simula pa lang alam ko na ang mga mangyayari kapag patuloy pa rin kitang inibig.

Ewan ko ba kung bakit napaibig mo ako. Ang dami namang iba diyan. Pero bakit ikaw pa? Ewan, Basta naramdaman ko na lang isang araw na mahal na kita. Na iniibig na kita. Corny mang aminin pero ‘yun ang totoo. At bakit ko naman hindi sasabihin ang totoo. Alam ko totoo ang nararamdaman ko sayo. Alam kong iniibig kita. Sigurado ako sa nararamdaman ko.

Minsan nagtataka talaga ako kung bakit ikaw ang inibig. Bakit nga ba? Mahirap maipaliwanag eh! Basta ang alam ko masaya ako ‘pag nakikita kita. Parang nasa langit ako. Heaven ang dating. Pakiramdaman ko nga kasama ko mga angel. Ang sarap-sarap talaga ng pakiramdam. Walang kasingsarap.

Kadalasan nga ay parang baliw ako. Nakakabaliw pa ang pag-ibig? Marahil! Natatagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatulala. Nakangiti kahit mag-isa. Ewan ko kung bakit ganun. Pakiramdam ko kasi may kung anong bagay sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag. Yun ang abnormal na nagpapatibok sa aking puso. Yun ang nagpapaligaya sa akin. Ang sarap-sarap kasi ng pakiramdam. Ikaw lang talaga ang kaisa-isang tao na nagpapaligaya sa akin.Ikaw lang ang kaisa-isang tao na nagpapabilis ng tibok ng aking puso. ‘Pag nakikita ko nga ang picture mo, ang saya-saya ko. Abot-tenga ang ngiti ko. Ang sarap kasi ng pakiramdam ‘pag nakikita kita.
Nakakaadik ka.Alam mo ba ‘yun? Para kang drugs na nagpapa-high sa akin. Lakas nang tama ko pag pinagmamasdan kita.

Sabagay, hindi naman masama na ibigin kita. Buti nga naranasan kong umibig. Buti nga naramdaman ko kung paano masaktan – kung paano umiyak. Kahit papaano naging kumpleto ang buhay ko dahil sayo. Dahil natutuhan kitang ibigin.

Pero minsan, naiisip ko: Paano kaya kung inibig mo rin ako? Paaano kaya kung nagkatuluyan tayo? Tapos iiyak na lang ako. Kasi alam kong hindi mangyayari ‘yun kahit sa panaginip.

Malamang inisip mo ngayon na ang corny-corny ko. Oo na. Kahit ano pa ang sabihin mo. Kahit sabihin mo pang ako na ang pinaka-korning tao sa buong mundo, tatanggapin ko pa rin ‘yun.

Pero teka lang muna. Sino ba ang hindi corny ‘pag tumibok na ang iyong puso? Sino ba ang hindi corny ‘pag naramdaman mong umiibig ka na? Sino ba ang hindi corny ‘pag natutong magmahal ang puso mo? Sino ba ang hindi corny ‘pag naging kakaiba ang tibok ng puso mo?

Sino nga ba? Meron ba? Sa tingin ko kasi wala. ‘Pag umibig kasi ang tao, nagiging corny ang lahat-lahat.

Comments

Popular posts from this blog

How I Explored Coron, Palawan for Three Days and Two Nights for Less Than Php4000.00

How To Travel Cheap To Cabongaoan Beach in Burgos, Pangasinan

Reasons Why You Should Not Stay At Benjie's Kubo & Cottages in Bolinao, Pangasinan